October 31, 2024

Home SHOWBIZ

Gina Pareño, bet bumalik sa pag-arte; nakalimutan na nga ba?

Gina Pareño, bet bumalik sa pag-arte; nakalimutan na nga ba?
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT)

Tila gusto pa ring balikan ng batikang aktres na si Gina Pareño ang sining ng pag-arte sa kabila ng edad niyang 77 sa darating na Oktubre 20.

Sa eksklusibong ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Oktubre 18, sinabi niya na bagama’t okay siya at masaya ay hinahanap-hanap pa rin daw niya ang ilaw ng camera.

“Okay naman, masaya. Pero bilang ako, naghahanap ako ng ilaw. 'Yong kamera, 'yong gano’n,” saad ni Gina.

Dagdag pa niya: “Nalulungkot ako 'pag hindi ako umaarte. Kaya ang ginagawa ko nag-ti-TikTok ako, nakakaarte ako. Sa umpisa, masaya. Nakakaraos ako. Tagal-tagal, parang iba 'yong shooting.”

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Nagsimula raw ang karera ni Gina noong ‘60s at 17-anyos pa lamang siya noon. Ilan sa mga tumatak niyang pagganap ay ang mga sumusunod: “Amy” sa “Kubrador,” “Nanay Flor” sa “Serbis,” at “Reming” sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na “Rehas.”

Kaya naman, hindi nakapagtatakang naging emosyunal siya nang sariwain niya ang mga proyekto niyang ito sa nakaraan.

Aniya, “Hindi naman sa hindi ko naalala. Ang nasa isip ko behind my back, gusto ko may kamera. Nakakaarte ako, 'yong nakakaraos 'yong init ng dugo ko sa acting. Tapos 'pag wala akong labas, para bang wala nang nagmamahal.”

“Unhappy ako, 'pag hindi ako umaarte. Walang ilaw, walang kamera. Alam kong nasa kwarto lang ako. Parang nakalimutan na nila ako,” dugtong pa niya.

Kaya sa darating niyang birthday, wish ni Gina na makabalik ulit sa dati niyang ginagawa.

“Sana maaalala nila ako. Hay naku, laking tuwa ko,” sabi pa niya.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na naghayag ng interes si Gina na makaarteng muli. Sa panayam ni showbiz insider Ogie Diaz noong 2022 ay nanawagan siyang alukin ng proyekto.

MAKI-BALITA: Gina Pareño, naiyak; mahal na mahal ang pag-arte, nanawagang bigyan siya ng proyekto