Maging si senatorial aspirant at retired marine colonel na si Ariel Querubin ay bumisita kay dating Vice President Leni Robredo sa Naga City.
Matatandaang nitong Sabado ng umaga, Oktubre 19, nagbahagi si senatorial aspirant at Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta ng ilang mga larawan nila ni Robredo sa naging pagbisita raw niya rito nang magawi siya sa Naga.
BASAHIN: Dante Marcoleta, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga
Sa Facebook post naman ni Robredo nitong Sabado ng tanghali, ibinahagi niyang maging si Querubin ay bumisita sa Naga kahapon ng Biyernes, Oktubre 18.
“Naga City visitors yesterday - my former colleague at the House of Representatives, Congressman Rodante Marcoleta and my co-parent at the Ateneo de Manila University, Colonel Ariel Querubin. Both are Senatorial Candidates for the 2025 Elections,” ani Robredo sa kaniyang post.
Matatandaang noong Oktubre 7, 2024 nang maghain si Querubin ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections “upang mapalaya ang lahat sa gutom at kahirapan.”
Sa kaniyang paghahain ng COC, sinabi ng Medal of Valor awardee na nais din niyang isulong sa Senado ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Samantala, tatakbo naman si Robredo bilang alkalde ng Naga City.
MAKI-BALITA: Ex-VP Leni Robredo, tatakbong alkalde ng Naga City