November 24, 2024

Home BALITA National

Akbayan kay VP Sara: ‘Ngayon na lang nagsalita sa WPS, ginamit pang patutsada sa kalaban!’

Akbayan kay VP Sara: ‘Ngayon na lang nagsalita sa WPS, ginamit pang patutsada sa kalaban!’
(Photo courtesy: Akbayan/FB; Santi San Juan/MB)

Mariing kinondena ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang paggamit ni Vice President Sara Duterte sa West Philippine Sea (WPS) bilang pagpapatutsada raw sa mga kalaban, dahil matagal na umanong tahimik ang bise presidente tuwing nakararanas ng “harassment” ang mga mangingisda doon.

“She has been silent while our fishers faced harassment and our sovereignty was threatened. Now, in a desperate attempt to deflect, she suddenly brings up the West Philippine Sea,” giit ni Cendaña sa isang pahayag nitong Sabado, Oktubre 19.

“Ngayon na nga lang nagsalita si VP Sara sa West Philippine Sea, ginamit pang patutsada sa mga kalaban,” dagdag niya.

Matatandaang sa isang press conference nitong Biyernes, Oktubre 19, naglabas ng mga patutsada si Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan isiniwalat niyang sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa WPS.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa West Philippine Sea

Kaugnay nito, pinuna rin ni Cendaña ang naging mga patutsada ni Duterte at iginiit na pagtatangka lamang umano ito upang ilipat ang atensyon ng publiko mula sa naging pagdinig ng House quad committee hinggil sa madugong giyera kontra droga sa bansa ng administrasyon ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sara Duterte’s tantrum is a frantic bid to distract the nation from the damning revelations emerging from the QuadComm hearings. These hearings have laid bare their involvement in the abuses and corruption during her father’s regime, especially in the widespread extrajudicial killings linked to the war on drugs. No amount of theatrics can shield them from accountability,” giit ni Cendaña.

Kamakailan lamang ay nagsagawa ng pagdinig ang House quad committee, kung saan emosyonal na ipinahayag ni retired police colonel Royina Garma na iniutos umano ni dating Pangulong Duterte ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang ng administrasyon nito sa bansa, na kapareho raw ng “template” sa Davao, bagay na itinanggi naman ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinangging nag-alok ng ‘cash rewards’ para sa drug war

Kasama rin sa mga isinangkot sa naturang drug war sina Senador Bato dela Rosa at Senador Bong Go, na matapos nito’y nagsabing magsasagawa umano sila ng parallel investigation sa Senado.

"Ang kakapal ng mukha. The audacity is staggering. Sila ang sangkot pero sila ang gusto mag-imbestiga? The sheer gall is unbelievable,” pagbibigay-diin ni Cendaña.

MAKI-BALITA: Bong Go, willing paimbestigahan sa Senado drug war ni Ex-Pres Duterte

KAUGNAY NA BALITA: Senate investigation sa drug war, ‘di dapat pangunahan nina Bato, Go – SP Chiz

Matatandaang inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno kamakailan na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno