Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Sabado, Oktubre 19, na 3,845 sa 6,600 ang pumasa sa October 2024 Physicians Licensure Examination.
Base sa tala ng PRC, 58.26% sa examinees ang pumasa sa pagsusulit.
Kinilala bilang topnotcher si Isaac Edron Jones mula sa Davao Medical School Foundation matapos siyang makakuha ng 89.33% score.
Samantala, tinanghal bilang top performing schools ang University of the Philippines Manila na nakakuha ng 96.97% passing rate at ang Angeles University Foundation na nakakuha naman ng 90.74% passing rate.
Isinagawa ang naturang pagsusulit noong Oktubre 5, 6, 12 at 13, 2024 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Magsisimula raw ang schedule ng online appointments para sa bagong Licensed Physicians’ Professional ID at Certificate of Registration sa Nobyembre 25, 2024.
Congratulations, Passers!