Tahasang sinabi ni Vice President Sara Duterte na gusto niyang pugutan ng ulo si Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil daw sa napahiyang estudyante noong dumalo sila ng isang graduation ceremony.
Ikinuwento ito ng bise presidente sa isang press conference nitong Biyernes, Oktubre 18. Aniya, dumalo raw sila ni PBBM ng isang graduation ceremony noon.
Bago niya ikuwento ang nangyari, alam naman daw ni VP Sara na may "inappropriateness" sa ginawa no'ng bata.
"Alam niyo para sa akin, there was some sort of inappropriateness sa ginawa no'ng bata pero bata ito e. So ikaw din, mayroon ka ring dapat siguro sanang pag-intindi kung saan nanggagaling 'yung bata. Ang reaksyon mo, ang response mo should be so that the child would learn a lesson," ani VP Sara.
Paglalahad ni Duterte, may isang estudyante raw na hinihingi ang relo ni Marcos bilang graduation gift.
"So, mayroong isang graduate. Sabi no'ng graduate, 'Mr. President, can I have your watch as a graduation gift?' And narinig ko, nasa tabi ako 'di ba, narinig no'ng katabi ko, narinig no'ng katabi ng katabi ko," kwento ng bise presidente.
"But apparently, this guy hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. So ang ginawa niya, pinaulit niya sa bata... Inulit no'ng bata louder this time, 'Mr. President, can I have your watch as a graduation gift?' Ang sagot niya [PBBM], 'Why? Why would I give you my watch?'
"At that point, may sakit na ako, wasn't feeling very well, nakakatayo lang ako doon kasi may gamot ako. Gusto kong tanggalin 'yung ulo niya. I realized toxic na 'yung relationship... Itong dalawang katabi ko tumawa pa. Pinagtawanan pa nila 'yong bata.
"I saw the humiliation sa face no'ng bata. I wanted to help him gusto ko sanang sabihin sa kaniya, 'Itong relo ko na lang, relo ito ng vice president... I hope this would do.' Then I realized baka mas lalong mapahiya 'yung bata.
"I imagine myself cutting his [PBBM] head. Gano'n din ang gusto kong gawin doon sa mga katabi ko. So na-realize ko, toxic na ito," paglalahad pa niya.
Matatandaang naging magkakampi sina Pangulong Bongbong at VP Sara noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM
KAUGNAY NA BALITA: ‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara