December 22, 2024

Home BALITA National

PBBM, matatalo raw sana ni ex-VP Leni kung ‘di dinala ni VP Sara mga Bisaya

PBBM, matatalo raw sana ni ex-VP Leni kung ‘di dinala ni VP Sara mga Bisaya
(file photo)

“It’s all about winning…”

Isiniwalat ni Vice President Sara Duterte na pinakiusapan siya ni Senador Imee Marcos na tumakbo bilang bise presidente ng bansa noong 2022 bilang kakampi ni Pangulong Bongbong Marcos dahil matatalo raw ito kay dating Vice President Leni Robredo kung hindi niya dinala ang mga Bisaya.

Sa isang press conference nitong Biyernes, Oktubre 18, ibinahagi ni Duterte na pagkatapos daw ng panahon ng paghahain ng kandidatura noong Oktubre 2022 ay tumawag sa kaniya si Imee para pakiusapang tumakbo bilang bise presidente.

“Sabi niya sa akin, ‘Pwede ka ba tumakbong vice president?’ Sabi ko sa kaniya, ‘Alam mo, hindi ko pa narinig ever na sinabi sa aking tumakbo akong vice president’,” ani Duterte.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Sabi ko, ‘Bakit mo ako nire-request ngayon na tumakbong vice president. And I am happy that she’s honest enough to say, ‘Kasi matatalo kami ni Leni [Robredo] if hindi mo dalhin ang Bisaya’.”“It was very straightforward. ‘It was all about winning,’ sinabi niya sa akin,” saad pa niya.

Matatandaang naging magkakampi sina Pangulong Bongbong at VP Sara noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.

Nakalaban naman ni Pangulong Bongbong si dating VP Leni sa nasabing posisyon noong nakaraang halalan.