November 24, 2024

Home BALITA National

PBBM, masayang nakasama si ex-VP Leni: ‘A step towards political reconciliation’

PBBM, masayang nakasama si ex-VP Leni: ‘A step towards political reconciliation’
(Photo: Mark Balmores/FB)

Tinawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isang “very important step towards political reconciliation” ang naging pagsasama nila ni dating Vice President Leni Robredo sa Sorsogon nitong Huwebes, Oktubre 17.

Sa kaniyang talumpati nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 18, pinasalamatan ni Marcos si Senate President Chiz Escudero na naging dahilan kaya’t nakasama niya sa maikling panahon si Robredo. 

"Senate President Chiz Escudero, who has taken a very important step towards political reconciliation yesterday, well done,” pagbati ni Marcos kay Escudero.

“I’m so happy you did that," dagdag pa niya.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Naging usap-usapan nitong Huwebes ang naging pagkikita at pagkamayan nina Marcos at Robredo sa gitna ng inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, inimbitahan ni Escudero si Robredo sa nasabing inagurasyon para katawanin ang Bicol sa pag-welcome kay Marcos.

MAKI-BALITA: PBBM at ex-VP Leni, nagkamayan sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena

Matatandaang naging magkalaban sa politika sina Marcos at Robredo mula pa noong 2016. Nanalo si Robredo sa pagka-bise presidente noong 2016, habang nanalo naman si Marcos sa pagkapangulo noong 2022 elections.