January 22, 2025

Home SPORTS

Pagsakay ng Philippine Dragon Boat Team sa ‘dump truck’ papuntang training, pinuna ng netizens

Pagsakay ng Philippine Dragon Boat Team sa ‘dump truck’ papuntang training, pinuna ng netizens
Photo courtesy: contributed photo/FB

Usap-usapan ang ilang larawan ng Philippine Dragon Boat Team matapos itong maispatang nakasakay sa isang dump truck patungo umano sa kanilang training.

Ang nasabing larawan ay kuha raw noong Huwebes, Oktubre 17, 2024 mula sa umano’y vlogger. Ayon sa ulat ng local media, papunta na umano ang nasabing koponan sa kanilang training, bilang preperasyon daw ng nalalapit nitong kompetisyon sa Puerto Princesa City sa Palawan.

“Bakit sa dump truck naman isinakay haha”
“#nakakahiya host city ka pero walang budget para sa maayos na transportasyon ng mga kalahok!!!”
“Nakakahiya ang Mayor ng Puerto...........”
“Hindi lang naman sila ang ganyan.. Pati rin probinsya ganiyan tpos pag nakakuha ng medal bronze silver at gold todo post ang municipality.”
“Tipid Muna malapit na halalan.”
“Hindi pa raw kasi sila nakakakuha ng gold.”

Samantala, naglabas naman ng pahayag sa kanilang Facebook account ang Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) nitong Biyernes at sinabing hindi umano sila ang nagpahintulot na sumakay sa dump truck ang kanilang mga atleta bagama’t aminado rin silang wala raw silang sapat na pondo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We may not have any government funding for our athletes and our participation in world championships, unlike other dragon boat groups that enjoy over 100 million pesos government funding for their event, but we have NEVER and we will NEVER EVER do that to our athletes…” saad ng PDBF.

Ayon pa rin sa ulat ng local news media outlet, deleted na umano ang naturang post ng isang vlogger na nakakuha ng litrato ng Philippine Dragon Boat Team na nakasakay sa dump truck.

Kate Garcia