January 23, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

One Direction at members nito, naglabas ng pahayag; 'devastated' sa pagpanaw ni Liam

One Direction at members nito, naglabas ng pahayag; 'devastated' sa pagpanaw ni Liam
Photo courtesy: One Direction, Harry Styles, Zayn Malik, Louis Tomlinson/Instagram

Naglabas na ng joint statement ang dating British boy band na One Direction kasabay din ng paglalabas ng solo message ng members nito na sina Zayn Malik, Harry Styles  at Louis Tomlinson nitong Biyernes, Oktubre 18, 2024.

Inilabas ng 1D ang kanilang joint statement sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“We are completely devastated by the news of Liam’s passing,” saad ng grupo.

Matatandaang pumanaw si Liam Payne noong Huwebes, Oktubre 17, 2024 matapos umanong mahulog mula sa ikatlong palapag sa isang hotel sa Argentina. 

Musika at Kanta

Apl.de.ap bet maka-collab ang BINI: 'They are world class!'

Bagama’t marami pa umanong nais ihayag ang grupo, nais daw muna nilang magluksa at tanggapin ang biglaang pagkawala ng kanilang “Payno.”

"In time, and when everyone is able to, there will be more to say. But for now, we will take some time to grieve and process the loss of our brother, who we loved dearly,” saad pa ng kanilang joint statement.

Samantala, kasunod ng joint statement, isa-isa ring inalala ng co-members ni Liam ang kaniya umanong alaalang iniwan.

Ang pinakamatanda sa grupo na si Louis Tomlinson, tila inalala ang talento ni Liam bilang isang singer.

“His experience from a young age, his perfect pitch, his stage presence, his gift for writing. The list goes on. Thank you for shaping us Liam,” saad ni Louis.

Nangako rin si Louis na maaari umano siyang maging takbuhan ng naulilang anak ni Liam, na si Bear.

“I want you to know that if Bear ever needs me I will be the Uncle he needs in his life and tell him stories of how amazing his dad was,” ani Liam.

Inalala naman ni Zayn Malik ang naging pagsasama nila noon ng yumaong kaibigan at kung paano raw tumayong kapatid si Liam kahit na mas bata umano ito sa kaniya.

“When I was missing home as a 17 years old kid, you would always be there with a positive outlook and reassuring smile and let me know you were my friend and that I was loved. Even though you were younger than me, you were always more sensible than me…,” paglalahad ni Zayn.

Nagpasalamat naman si Harry Styles kung paano umano niya nakasama si Liam sa pagpapasaya raw ng ibang tao.

“His greatest joy was making other people happy, and it was an honor to be alongside him as he did it,” saad ni Harry.

Samantala, nananatili pa ring tahimik si Niall Horan na matatandaang huling miyembrong nakausap umano ni Liam noong nakaraang dalawang linggo, kung saan ayon sa mga ulat ng international media ay ipinagmalaki pa raw nila ang “reconnection” sa isa’t isa.

-Kate Garcia