Tumanggi ang Office of the President (OP) na magbigay ng komento hinggil sa mga naging tirada ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, Oktubre 18.
"No statement from OP," ani Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez sa Palace reporters.
Sa isang press conference, naglabas ng mga pahayag si Duterte laban kay Marcos tulad ng tungkol sa pagiging pangulo nito ng bansa.
Giit ng bise presidente, matatalo raw sana si Marcos kay dating Vice President Leni Robredo noong 2022 national elections kung hindi niya dina ang mga Bisaya.
MAKI-BALITA: PBBM, matatalo raw sana ni ex-VP Leni kung ‘di dinala ni VP Sara mga Bisaya
Binigyan pa ni Duterte si Marcos ng “1 out of 10” rating dahil hindi umano ito marunong maging presidente ng bansa.
MAKI-BALITA: ‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara
Bukod dito, iginiit pa ng bise presidente na mayroon daw siyang listahan ng limang impeachable offense ng pangulo para matanggal ito sa puwesto.
MAKI-BALITA: VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM
Samantala, habang sinusulat ito’y wala pa ring komento si Marcos sa nasabing mga tirada ni Duterte.
Matatandaang naging magkakampi sina Marcos at Duterte noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.