December 22, 2024

Home BALITA National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Ikinagulat ng mga miyembro ng Kamara ang umano'y paggastos ng Office of the Vice President (OVP), na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ng ₱16 milyon sa loob lamang ng 11 araw noong last quarter ng 2022.

Ang naturang halaga ay galing umano sa confidential and intelligence funds (CIFs) ng OVP at ginamit sa pagrenta ng 34 na safehouses sa loob lamang ng 11 araw.

Napag-alaman ito nitong Huwebes, Oktubre 17, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability tungkol sa umano'y iregularidad sa public funds ng OVP at Department of Education (DepEd).

Napag-alaman ni Manila 3rd district Cong. Joel Chua, na siyang namumuno sa anti-corruption panel, hindi bababa sa 34 na safehouses ang nirentahan umano ng OVP na may presyong ₱91,000 kada araw. 

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa ulat ng Manila Bulletin, ang mga rekord na tinalakay ng panel ay nagpakita na ang OVP ay gumastos ng ₱16 milyon sa pagrenta ng 34 na safehouses, na nagkakahalagang ₱250,000 hanggang ₱1 milyon sa pagitan ng Disyembre 21 at 31 noong 2022. 

Ang mga rental payment ay detalyado sa liquidation report na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA) upang bigyang-katwiran ang paggastos ng kabuuang ₱125 milyon sa CIF sa loob lamang ng 11 araw sa parehong panahon.

Samantala, walang sinuman mula sa OVP ang dumalo sa pagdinig. 

Ninanais ni Chua na gusto niyang dumalo ang bise presidente sa pagdinig. 

"Sana nga lang mag-take siya ng oath, at tsaka sana sagutin din niya yung mga katanungan," aniya.