January 22, 2025

Home BALITA Metro

Lacuna: Konstruksiyon ng Vitas campus ng UDM, target matapos sa 2026

Lacuna: Konstruksiyon ng Vitas campus ng UDM, target matapos sa 2026
(contributed photo)

Asahan na sa pagsapit ng taong 2026 ay magiging mas madali na ang access sa college education ng mga kabataan sa Tondo.

Ito'y dahil sa pagsisimula na ng konstruksiyon ng Vitas Campus ng Universidad de Manila, na pinondohan ng Kongreso ng P400 milyon.

Ang groundbreaking ng bagong 1,500 square meter UdM campus sa Vitas, Tondo ay idinaos nitong Huwebes, Oktubre 17, at pinangunahan ng project proponent na si Congressman Rolando Valeriano (Manila 2nd District), kasama sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo. 

Nabatid na ang UDM college building sa Vitas, Tondo ay idinisenyo na may 10 palapag, 48 silid-aralan, 15 multi-function rooms, at multipurpose gymnasium. 

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Ipinagpasalamat naman ni Lacuna ang pagkakatayo ng maganda at malaking paaralan para sa mga kabataaang Manilenyo nang hindi mula sa utang.

“Puwede naman pala. Puwede naman pa lang magpagawa ng maganda at malaking gusali na hindi galing sa utang," anang alkalde.