December 22, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, ipapanukalang imbestigahan ng buong senado ang 'War on Drugs' ni Ex-Pres. Duterte

Hontiveros, ipapanukalang imbestigahan ng buong senado ang 'War on Drugs' ni Ex-Pres. Duterte
(file photo)

Ipapanukala raw ni Senador Risa Hontiveros na imbestigahan ng buong senado ang "war on drugs" ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 17, sinabi ni Hontiveros na napakaimportante raw na malaman ang katotohanan sa hinggil dito.

"Napakaimportante na malaman natin ang katotohanan ukol sa madugong War On Drugs, lalo na para sa pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings," saad ng senadora.

Dagdag pa niya, "ipapanukala ko sa Senate leadership na magkaroon ng Senate Committee of the Whole, kung saan buong Senado ang magiimbestiga sa War on Drugs ng nakaraang administrasyon."

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Umaasa rin si Hontiveros na mas panatag at mas ma-enganyo na tumestigo ang umano'y mga victim survivors ng war on drugs.

"Sa pamamagitan ng Senate Committee of the Whole, umaasa ako na mas panatag at mas ma-engganyo na sumali at tumestigo ang victim survivors ng War on Drugs. Dapat marinig natin sila para malaman natin ang buong katotohanan."

Kasalukuyang iniimbestigahan ng House quad committee ang extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs ng administrasyong Duterte, kung saan sa isinagawang pagdinig noong Biyernes, Oktubre 11, ay emosyonal na isiniwalat ni retired police colonel Royina Garma na iniutos umano ng dating pangulo ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang ng administrasyon nito sa bansa, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Matatandaang inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno kamakailan na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno