May 06, 2025

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental dakong 5:58 PM nitong Huwebes, Oktubre 17.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 33 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 127 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

Ngunit posible raw na magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.