January 22, 2025

Home BALITA Probinsya

Dalawang tao sa Cagayan, hinihinalang may human anthrax dahil sa karne ng kalabaw

Dalawang tao sa Cagayan, hinihinalang may human anthrax dahil sa karne ng kalabaw
Photo courtesy: National Institutes of Health (website) and Pexels

Dalawang tao ang umano’y hinihinalang may human anthrax infection matapos umanong makuha ito sa kinaing karne ng kalabaw sa probinsya ng Cagayan.

Sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office (CDC) nitong Miyerkules, Oktubre 16, 2024, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon dahil napag-alaman daw na maraming residente rin mula sa Sto. Niño ang nakakain ng naturang infected na kalabaw.

Ayon sa ulat ng Centers for Disease Control and Prevention, ang human anthrax ay isang seryosong sakit na dulot ng bacteria na “bacillus anthracis.” Kadalasan umanong matatagpuan ang nasabing bacteria sa mga lupa at kalimitang nakaaapekto sa mga livestock at wild animals. Maaari din itong maipasa sa tao katulad na lamang ng hinihinalang kaso sa Cagayan, kapag ang infected na karne ng hayop ay nakain ng isang tao.

Sa tala pa rin ng CDC, Ilan umano sa sintomas ng human anthrax ay lagnat, pananakit ng dibdib, pananakit ng katawan at pagpapawis.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Samantala, matatandaan ding minsan ng nakapagtala ang Cagayan ng kaso ng human anthrax virus noong Disyembre 2022 kung saan mula sa 12 umanong kaso rito, tatlo ang nagmula sa kumpirmasyon ng Department of Health (DOH).

Kate Garcia