November 21, 2024

Home SHOWBIZ

BALITAnaw: Ang karera ni Liam Payne sa One Direction at bilang solo artist

BALITAnaw: Ang karera ni Liam Payne sa One Direction at bilang solo artist
Photo courtesy: Billboard (website)

Isa na yata ang One Direction sa minsan nang nagpakilig at tinilian ng libo-libong music enthusiasts saan mang panig ng mundo.

Umabot ng anim na taon ang karera ng sikat na British boyband na nagsimula noong 2010 hanggang 2016. Bagama’t may sarili-sarili ng karera ang dating mga miyembro nito na sina Zayn Malik, Liam Payne, Niall Horan, Harry Styles at Louis Tomlinson, tila hindi maikakaila na isa na ang nasabing grupo sa mga boyband na niyanig ang international music industry.

Nito lamang Huwebes, Oktubre 17, 2024 nang gulantangin ng isang balita ang fans ng One Direction nang kumpirmahin ang biglaang pagpanaw ni Liam Payne, 31, matapos umano siyang mahulog sa mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na

Tsika at Intriga

Chloe, tinalakan: 'Yung award para kay Caloy pero photos puro na naman about you!'

Bago pa man tuluyang mabuo ang One Direction, nagsimula si Liam na noo’y 14-anyos na tangkaing makapasok sa music industry noong 2008 nang mag-audition siya sa X-Factor, ngunit hindi siya pinalad.

Taong 2010 naman nang magbukas na ang pintuan sa kaniyang karera kung saan matapos siyang makapasok sa X-Factor ay nagpasya ang naturang talent show na isama si Liam sa binuo nila noong grupo dahil hindi umano nila kayang tanggalin ang noo’y co-individual participants pa na sina Zayn, Harry, Niall at Louis.

Si Liam ang itinuturing na lider ng One Direction, na matatandaang unang nabuo mula sa sikat na singing competition na “ X-Factor” noong 2010. Magmula X Factor, ay nakilala na si Liam, kasama ang One Direction sa iba’t ibang panig ng mundo. Kabilang sa mga sikat na awitin nila ay ang “One Thing,” “What Makes You Beautiful” at “Up All Night.”

Hindi man nakasungkit ng Grammy award ang grupo, nakuha naman nila ang ilan pa sa mga bigating parangal kagaya ng Global Recording Artist of the Year, People’s Choice Award, Best International Artist at MTV Video Music Award.

Samantala, taong 2015 nang magdesisyon si Zayn Malik na umalis sa One Direction, habang 2016 naman nang tuluyang magdeklara ng indefinit hiatus ang grupo.

Taong 2016 din ng maisapubliko ang pagkakaroon ng romantic interest ni Liam sa TV personality na si Cheryl Cole at 2017 naman nang magkaroon sila ng anak at 2018 nang inanunsyo nila ang hiwalayan.

Inilabas ni Liam ang kaniyang unang solo album noong 2019 na tinawag na LP1 kasama ang tanyag na single na “Strip That Down.”

Hindi naman naitago sa publiko ang ilang isyung kinasangkutan ng singer, partikular na ang pagiging alcohol addict umano niya. Taong 2023 nang isinapubliko niyang dumaan umano siya sa rehab upang malunasan ang tumitinding alcohol addiction. Ayon pa sa ilang ulat ng international news media, malaking pressure umano ang kinaharap ni Liam sa kaniyang karera kahit na noong miyembro pa siya ng One Direction.

Huling nasilayan si Liam sa CasaSur Palermo Hotel sa Argentina kung saan siya umano nagbabakasyon. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa hotel, tungkol umano sa isang guest na tila nasa impluwensya ng drugs at alcohol. Ang nasabing guest na inihihingi umano ng tulong sa pulisya ay si Liam. Nang dumating umano sila nasabing hotel, ay nakahandusay na ang singer na sinasabing nalaglag mula sa ikatlong palapag nito.

Agad na bumuhos nag pakikiramay at pagluluksa ng fans ng singer.

KAUGNAY NA BALITA: Matapos ang biglaang pagpanaw: fans ni Liam Payne, bumuhos pagluluksa

Samantala, hinihintay pa rin umano ang magiging resulta sa autopsy report sa bangkay ni Liam.

Kate Garcia