Kasama si Pastor Apollo Quiboloy sa initial list ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga kandidato sa pagkasenador na posibleng makasama sa balota sa 2025 midterm elections.
Sa inilabas na memorandum ng Comelec na naglalaman ng initial list ng senatorial candidates nitong Miyerkules, Oktubre 16, makikita ang mga pangalan ng 66 senatorial bets, kung saan kasama rito si Quiboloy.
“This Department conducted a very careful evaluation of the aspirants which includes research of their background, affiliations, advocacies, platforms of government, general appearance and presence in the public, media, and internet, and behavioral actions,” nakasaad sa memorandum ng Comelec.
Matatandaang noong Oktubre 8 nang maghain si Quiboloy ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. Mark Tolentino.
Nahaharap ang pastor at mga kapwa akusado nito sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”
MAKI-BALITA: Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’
Samantala, narito ang 65 pang kasama sa inisyal na listahan ng Comelec:
1. Abalos, Benjamin Jr. De Castro – Partido Federal ng Pilipinas
2. Adonis, Ronaldo Mangampo - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
3. Amad, Wilson Caritero - Independent
4. Andamo, Jocelyn Santos - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
5. Aquino, Paolo Benigno Aguirre - Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino
6. Arambulo, Ronnel Gondraneos - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
7. Arellano, Ernesto Rillera - Kamalayang Kayumanggi (Katipunan)
8. Ballon, Roberto Amido - Independent
9. Binay, Mar-Len Abigail Sombillo - Nationalist People’s Coalition
10. Bondoc, James Patrick Romero - PDP-Laban
11. Bong Revilla, Ramon Jr. Bautista - Lakas-CMD
12. Bosita, Bonifacio Laqui - Independent
13. Brosas, Arlene Duran - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
14. Cabonegro, Roy Jerusalem - Democratic Party of the Philippines
15. Capuyan, Allen Arat - Partido Pilipino sa Pagbabago
16. Casino, Teodoro Acevedo - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
17. Castro, Francisca Lustina - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
18. Cayetano, Pilar Juliana Schramm - Nacionalista Party
19. De Alban, Angelo Castro - Independent
20. D’ Angelo, David Delano - Bunyog Pagkakaisa Party
21. De Guzman, Leodegario Quitain - Partido Lakas ng Masa
22. Dela Rosa, Ronald Marapon - PDP-Laban
23. Doringo, Eufemia Pet - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
24. Escobal, Arnel Bondilles - Partido Maharlika
25. Espiritu, Renecio Jr. Santos - Partido Lakas ng Masa
26. Floranda, Modesto Toque - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
27. Gamboa, Marc Louie Santos - Independent
28. Go, Christopher Lawrence Tesoro - PDP-Laban
29. Gonzales, Norberto Borja - Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas
30. Hinlo, Jesus Jr. Villanueva - PDP-Laban
31. Honasan, Gregorio Ballesteros - Reform PH-People’s Party
32. Jose, Relly Jr. Nufable - Kilusang Bagong Lipunan
33. Lacson, Panfilo Morena - Independent
34. Lambino, Raul Loyola - PDP-Laban
35. Lapid, Manuel Mercado - Nationalist People’s Coalition
36. Lee, Wilbert Te - Aksyon Demokratiko
37. Lidasan, Amirah Ali - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
38. Marcoleta, Rodante Dizon - Independent
39. Marcos, Maria Imelda Romualdez - Nacionalista Party
40. Marquez, Norman Cordero - Independent
41. Martinez, Eric Morales - Independent
42. Mata, Richard Tesoro - Independent
43. Matula, Jose Sonny Gito - Workers’ and Peasants’ Party (WPP)
44. Maza, Liza Largoza - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
45. Mendoza, Heidi Lloce - Independent
46. Montemayor, Jose Jr. Cabrera - Partido Pederal ng Maharlika
47. Olivar, Jose Jessie Dela Calsada - Indpendent
48. Ong, Willie Tan - Aksyon Demokratiko
49. Pacquiao, Emmanuel Dapidran - Partido Federal ng Pilipinas
50. Pangilinan, Francis Pancratius Nepomuceno - Liberal Party of the Philippines
51. Querubin, Ariel Porfirio Oliva - Nacionalista Party
52. Ramos, Danilo Hernandez - Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
53. Revillame, Wilfredo Buendia - Independent
54. Rodriguez, Victor Dayrit - Independent
55. Sahidulla, Nur-Ana Indanan - Independent
56. Salvador, Phillip Reyes - PDP-Laban
57. Singson, Luis Crisologo - Independent
58. Sotto, Vicente III Castelo - Nationalist People’s Coalition
59. Tapado, Michael Balais - Partido Maharlika
60. Tolentino, Francis Ng - Partido Federal ng Pilipinas
61. Tulfo, Bienvenido Teshiba - Independent
62. Tulfo, Erwin Teshiba - Lakas-CMD
63. Valbuena, Mario Jr. Soliven - Independent
64. Verceles, Leandro Buenconsejo - Independent
65. Villar, Camille Aguilar - Nacionalista Party
Sinabi naman ng Comelec na ang natitirang 117 senatorial aspirants na naghain din ng certificate of candidacy (COC) mula noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024 ay maaaring ideklara na bilang nuisance candidates.