November 24, 2024

Home BALITA National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Ilocos Norte

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Ilocos Norte
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.7 na lindol ang tumama sa probinsya ng Ilocos Norte nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:32 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 63 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Currimao, Ilocos Norte, na may lalim na 16 kilometro.

Itinaas ang Intensity IV sa Batac, Currimao, Paoay, at San Nicolas, ILOCOS NORTE, maging sa Sinait, ILOCOS SUR.

National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Niaulat naman ang Intensity III sa City of Laoag, ILOCOS NORTE.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.