Tila walang balak makipagsabayan ang singer, songwriter, at actor na si Ogie Alcasid sa mga kapuwa niya celebrity na pumapasok sa politika.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal nitong Miyerkules, Oktubre 16, sinabi ni Ogie na mahal daw niya ang trabaho niya at hindi niya maipagpapalit ang mga ito.
“I'll give you a simple reason, aside from the fact that I don't think I'm equipped to do that, I love my job so much. I love singing. I love making people laugh,” saad ni Ogie.
"I love hosting. I love getting endorsements and all of that. Maipagpapalit ko ba ‘yon? Siyempre hindi. Kasi if I become a politician, that's another world where you have to relearn things,” aniya.
Dagdag pa niya: "I highly doubt na, isang araw na lang 'A, politician ako.' And then you become the greatest politician ever. It takes time."
Pero sa kabila nito, umaasa raw si Ogie na totoo at sincere ang mga kapuwa niya artista na pagtulong ang nasa likod ng pagkandidato ng mga ito.
"It's hard to say. I'm hoping that's true,” sabi niya.
Matatandaang bukod sa mga artista ay may mga content creator at vlogger din tulad nina Rosmar Tan, Diwata, Eli San Fernando, at iba pa na naghain ng kanilang kandidatura sa filing ng COC na nag-umpisa noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.
MAKI-BALITA: PASABOG! Mga personalidad na papasukin na rin ang politika