December 21, 2024

Home BALITA Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima
photo courtesy: Leslie Lulu Manabat/FB

Arestado na ang umano'y mastermind sa pagpatay mag-asawang online seller sa Pampanga at lumalabas na kumpare pa siya 'di umano ng mga biktima. 

Matatandaang noong Oktubre 4 nang tambangan ng riding-in-tandem sa Mexico, Pampanga ang sasakyan ng mag-asawang sina Arvin at Lerma Lulu.

Kasama nila ang anim na taong gulang nilang anak at isang kamag-anak nang mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ng anim na beses si Arvin at tatlong beses naman si Lerma habang nakaligtas naman ang dalawa nilang kasama. 

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Sa isang press briefing ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Oktubre 15, naaresto nila ang pitong indibidwal kabilang ang mastermind matapos ang dalawang araw na operasyon. 

Una nilang naaresto ang gunman at backrider na sina Arnold Taylan at Arnel Buan sa Nueva Ecija. Isiniwalat ng dalawang ang mga umano'y kasabwat  pa sa krimen na sina Robert Dimaliwat, Rolando Cruz, Jomie Rabandaban, Sancho Nieto at ang umano'y mastermind na si Anthony Limon.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, isa ring online seller ang mastermind na may utang umano na ₱13 milyon sa mga biktima, kung saan ito ang tinitingnan na motibo ng pagpatay.

"’Yong ating suspect na mastermind ay engaged din sa online products, so kung mawawala 'yong mag-asawa siya na 'yong magiging exclusive distributor and at the same time mawawala na utang niya," ayon kay PRO-3 Regioinal Director Police Brigadier General Redrico Maranan.

Dagdag pa ng PNP, Agosto ngayong taon nang magsimula umanong maghanap gun-for-hire ang mastermind para patumbahin umano ang mag-asawang Lulu. At sa halagang ₱900,00 nakakontrata sila ng grupo na magsasagawa ng krimen.

"At ang una pa nga pong instruction niya [mastermind] rito po sa mga gun-for-hire na ito ay pasukin na po ang bahay ng mag-asawang Lulu, kuhain po 'yong cheke na talbog na in-issue niya na worth ₱13 million and pati po 'yong dalawang cellphone kailangan daw po makuha. But unfortunately, based po doon sa revelation po no'ng gunman, hindi umubra," ayon kay  Pcol. Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga PPO.

Sa isa ring panayam, binanggit din ni Pcol. Dimaandal na kumpare ng mag-asawang biktima si Limon.

"Ito pong mastermind is inaanak din po nila 'yung anak ng mag-asawang Lulu na nabiktima. So ibig sabihin, magkumare sila, magkakaibigan sila," aniya. 

Kasalukuyang hawak ng pulisya ang mga suspek at mahaharap umano sa kasong double murder.