Natanong ang Kapamilya singer-actor na si Juan Karlos Labajo o "Juan Karlos" kung kumusta na ang kasong isinampa laban sa kaniya ng nanay ni "It's Showtime" host-singer Darren Espanto, noong 2019.
Nag-ugat ang nabanggit na libel case sa "sexuality issue" na sinambit ni JK laban kay Darren, na kapwa niya "The Voice of the Philippines" kids edition finalists, kasama pa ang grand winner nitong si Lyca Gairanod.
Hindi raw pinayagan ang media people na magtanong kay JK tungkol kay Darren sa naganap na media conference para sa first major solo concert ng una na gaganapin sa Nobyembre 29 sa SM Mall of Asia Arena.
Pero nagpaunlak naman ang singer-actor sa entertainment website na PEP. Nabalitaan daw kasi nila na na-dismiss na ang kaso, na isinampa ng nanay ni Darren sa kaniya noong 2019.
Hindi direktang sinagot ni JK kung talaga bang naibasura na ng korte ang demanda.
"A lot of things are definitely blown out of proportion. A lot of things are unnecessarily expounded into this massive thing that it shouldn’t have been in the first place," saad umano ni Juan Karlos.
Nang tanungin din siya kung game o bukas ba siya sa posibilidad na magkatrabaho sila ni Darren in the near future, sagot ni JK, wala naman daw problema sa kaniya kung mangyayari iyon.
MAKI-BALITA: JK Labajo, bukas sa ideyang maka-collab si Darren Espanto