October 15, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi
Photo courtesy: Screenshots from ABS-CBN (FB)

Masayang-masaya ang mga netizen, lalo na ang mga legal na misis, nang mapaalis na ang karakter ni Mercedes Cabral na "Lena" sa bahay ni "Rigor" na ginagampanan naman ng aktor na si John Estrada, matapos ang kanilang mainit na komprontasyon.

Isa sa mga dahilan kung bakit patok ang "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin ay dahil sa mga side story ng mga ganitong karakter, na sa kasikatan nga ay nagawan pa ng kanta, at nakuha na rin silang endorser ng isang tindahan ng liempo at inihaw na manok.

MAKI-BALITA: Righhhooouuurrr at Lena, ginawang endorser ng liempo

Makikita sa episode ng action-drama series ang pagpapaalis ni Rigor kay Lena dahil nga iniimbestigahan na ng pulisya ang umano'y pagbahay niya sa kaniyang "jumper" o bagong termino ng pagiging kabet.

Teleserye

MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?

Kaya naman sa comment section ay tila nagdiwang naman ang mga legal na misis na naka-relate sa mga nangyayari sa serye.

"Nakuha pa talagang magtanong kung siya ang dahilan ng pagkasira ng buhay, parang hindi dating pulis na hindi alam kung ano ang adultery at immorality."

"We are sorry lena but you've just been evicted on big rigor's house"

"Hindi naman na talaga niya makikita kasi wala naman kayong anak. Di ka naman na buntis nagpapanggap ka lang para di ka iwanan. Ganyan naman gawain ng mga maninira ng pamilya, lahat gagawin para sila ung piliin. Nakakainis ba't ba dumaan to sa nf ko andami kong naaalala ang ag-aga naiinis ako."

"Kung s true to life dpt d cla maalis s serbisyo ung gulo n lng ang ayucn nila at sustento s mga anak s loob at anak s labas. Yng kbet ang dpt paallisin s bhy n nandon ang asawa d dpt tanggaling ang pulis s serbisyo. Nag aral at ngpphirap cla s training tpos aalicn lng ss serbisyo d nmmn yt tama"

"Kaya sa lahat ng mga Kabet.. huwag kayung umasa... masasaktan kang din kayu sa bandang huli... ngayun palang itigil nyu nah... ngayun palang palayain nyu na sarili nyu... at kung magloko man partner nyu... hayaan nyu silang maglukuhan forever.... Lena... Congratulations.. Pinalaya mo na sarili mo... Napaka common ng twist kung maghihigante si Lena... Sana magpakabait na siya... At sa bandang Huli... Pre nalang tawag nya kay Righurrr..."