Nominado si "It's Showtime" host at Kapamilya star Kim Chiu sa kategoryang "Best Actress in a Leading Role" para sa portrayal niya bilang "Secretary Kim," sa Philippine adaptation ng patok na South Korean series na "What's Wrong with Secretary Kim" ng ABS-CBN Studios, Dreamscape Entertainment, at Viu Philippines.
Ibinahagi ito ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe sa kaniyang social media post.
Makakalaban ni Kimmy ang iba pang mga aktres sa iba't ibang bansa gaya nina Robyn Malcolm mula sa Australia, Zhou Xun, Ma Sichun, Wu Jin-Yan, at Xu Fan mula sa China, Charmaine Sheh at Selena Lee mula sa Hong Kong.
Si Kim lamang ang kaisa-isang nominado sa nabanggit na kategorya mula sa Pilipinas. Bukod dito, ang theme song ng serye ay nominado naman sa "Best Theme Song."
Kamakailan lamang ay nanalo ring Best Actress si Kimmy sa kaniyang pagganap bilang "Juliana Lualhati" sa teleseryeng "Linlang," sa 2024 Seoul International Awards 2024.
Samantala, nominado naman sa kategoryang "Best Leading Female Performance in a Digital Series" si Viva Artist Julia Barretto, at ang "Secret Ingredient" na pinroduce ng Viu Philippines, Viu, at Brightlights Productions ay nominado naman sa kategoryang "Best Original Digital Drama Series." Bukod sa serye ni Julia ay isa pang gawang Pinoy ang nominado sa huling kategoryang nabanggit, ang "People of the Barangay" ng Kapitana Entertainment Media at YouTube.