November 24, 2024

Home BALITA National

Billboard ni Benhur Abalos, pinuna ni Clarita Carlos

Billboard ni Benhur Abalos, pinuna ni Clarita Carlos
(Photo courtesy: Clarita Carlos/FB)

Pinuna ni dating national security adviser Clarita Carlos ang billboard ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na tatakbo sa pagkasenador sa 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Oktubre 15, inilakip ni Carlos ang isang larawan ng billboard ni Abalos kung saan mababasa ang “KALABAN NG KRIMINAL, BENHUR ABALOS.”

“To my good friend and former partner at NTF ELCAC:  please ask your graphic artist to make visible the PREPOSITION… if you get my drift… hahaha!” caption ni Carlos sa kaniyang post.

Base na rin sa komento ng netizens, tila nagmukha umanong “KALABAN KRIMINAL, BENHUR ABALOS” ang teksto ng billboard dahil sa mas maliit na text size ng preposition na “NG” sa pagitan ng “kalaban” at “kriminal.”

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 4,700 reactions, 447 comments, at 273 shares ang naturang post ni Carlos.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

"Hahaha I saw it too! The preposition is very very vital po! Or else the message is quite the opposite!"

"Parang 'kadiliman/kasamaan' lang ang dating, Ma'am Clarita Carlos."

"Grabe Prof. Ang dami kong tawa dito."

Samantala, wala pang tugon si Abalos patungkol dito. 

Matatandaang noong Agosto 7, 2024 nang maghain si Abalos ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador para sa susunod na halalan.

Isa ang dating DILG chief sa mga inendorso ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

MAKI-BALITA: PBBM sa senatorial slate niya: 'This will lead us to a stronger, more prosperous PH'

Dahil sa kaniyang senatorial bid, nagbitiw si Abalos sa puwesto bilang kalihim ng DILG, at pinalitan naman siya ni Cavite Governor Jonvic Remulla.

MAKI-BALITA: Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla