Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 143 mga Pilipino ang pinagkalooban ng pardon ng United Arab Emirates (UAE).
Sa isang pahayag, binanggit ni Marcos ang napag-usapan nila ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed nitong Lunes, Oktubre 14.
Ayon sa pangulo, ipinaabot niya kay Zayed ang kaniyang pasasalamat sa mga tulong ng UAE sa Pilipinas sa nagdaang mga sakuna, at maging ang nasabing pagbibigay ng pardon sa 143 mga Pinoy doon.
“I extended to him my heartfelt thanks for the UAE’s humanitarian aid in the wake of the recent typhoons and floods that struck the Philippines,” aniya.
“I expressed my gratitude for the kindness extended to them, particularly their generous pardon of 143 Filipinos, which has brought relief to many families.”
Ipinahayag din ng pangulo ang kaniyang pagkatuwa dahil patuloy umanong nag-e-excel ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa UAE at nagbibigay ng positibong kontribusyon sa naturang bansa.
“It is always inspiring to hear how our Filipino workers continue to excel and make a positive contribution in the UAE,” saad ni Marcos.
“Our nations share strong bonds, rooted in the values and aspirations of our peoples, and I look forward to strengthening this partnership in the years ahead,” dagdag pa niya.