November 22, 2024

Home BALITA National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang
(Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB)

Ipinahayag ng Malacañang nitong Lunes, Oktubre 14, na hindi babalik ang Pilipinas sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC).

Base sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi raw inaasahang magbabago pa ang isip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa usapin ng pagbabalik ng bansa sa ICC.

"The Philippines will not return to ICC. Based on this, the president is not expected to change his mind and now refer the quadcom matter to the ICC," ani Bersamin.

Ang naturang pahayag ni Bersamin ay matapos hikayatin ni Atty. Kristina Conti ng National Union of People's Lawyers si Marcos na isumite ang quad-comm investigation materials sa ICC para maisama sa case build-up ng prosekusyon sa “crimes against humanity” sa Pilipinas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kasalukuyang iniimbestigahan ng House quad committee ang extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, sa isinagawang pagdinig noong Biyernes, Oktubre 11, ay isiniwalat ni retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na iniutos umano ng dating pangulo ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Matatandaang inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno kamakailan na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno