January 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'
Photo courtesy: Marian Rivera (IG), Ruffa Gutierrez (IG), Heart Evengelista (IG), ABS-CBN Entertainment (website)

May Labubu na ba ang lahat?

Ilang sikat na artista na ang tila nahumaling na nga rin sa lumalalang ‘Labubu craze,’ at hindi na rin nagpahuli sa pagkolekta sa mga ito.

Ano nga ba ang Labubu at magkano ang collection nito?

Ang Labubu ay character sa series na The Monsters, kung saan hango ang mga ito sa Nordic fairy tales kagaya ng mga duwende, fairies at halimaw. May ilan na nagsasabing umuso raw ang mga pop toys nito matapos i-flex ni Blackpink member Lalisa ang kaniyang mga collections at accessories nito.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Nakadepende sa klase ng Labubu ang presyo nito ngunit naglalaro ito sa official Popmart website mula ₱900 hanggang ₱51,000.

Narito ang ilang mga personalidad na cute na cute na nag-flex ng kanilang Labubu babies.

Heart Evangelista

Labubu keychains naman ang tila kinahuhumalingan ng actress at fashion icon na si Heart Evangelista, kung saan kalimitan niya ring ibida ang mga ito na nakasabit sa kaniyang luxury bags.

Marian Rivera

Pak na pak naman ang Labubu ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na minsan na rin ibinalandra ang tila unboxing ng kaniyang collection sa TikTok.

Ruffa Gutierrez

Certified Labubu collector din ang mag-inang sina Annabelle Rama at anak na si Ruffa Gutierrez kung saan kapwa ibinida sa isang Instagram post ang kanilang Labubu collections na halos punuin na nito ang kanilang luxury bag.

Vice Ganda

Proud na isinama sa show ni Vice Ganda ang kaniyang Labubu entry na makikitang yakap niya habang nasa hosting duty ng TV show na “It’s Showtime.”

Patunay ngang walang pinipiling edad ang pagiging toy collector at tila healing the inner child ang atake. Ilan lamang ang mga personalidad na nabanggit sa mga hindi nagpahuli sa Labubu craze. Kaya naman ang tanong, kailan mo sisimulan bilhin ang unang Labubu popmart mo?

Kate Garcia