January 22, 2025

Home SHOWBIZ

'Gusto ko proud sila:' Achievements sa buhay, iniaalay ni John Arcilla sa mga magulang

'Gusto ko proud sila:' Achievements sa buhay, iniaalay ni John Arcilla sa mga magulang
Photo Courtesy: Screenshots from Bernadette Sembrano (YT)

Tila hindi sinasarili ni award-winning actor John Arcilla ang mga dumarating na tagumpay sa kaniyang buhay bilang isang artista.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist kamakailan, sinabi ni John na gusto raw niyang maging proud din ang mga magulang niya.

“Kung anoman ‘yong mga narating ko—I was able to receive an international award—sa kanila lahat ‘yon, e. I mean, gusto ko proud talaga sila. Hindi lang ako ‘yong proud. Achievement namin ‘yon, ng buong pamilya namin,” saad ni John.

Dagdag pa niya: “Feeling ko, napaka-rich noong soil na ‘yon para panggalingan ng lahat ng resources ko as an actor.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa isang bahagi kasi ng panayam ay naibahagi ni John ang tungkol sa pinakamasakit na kuwento ng nanay niyang si Eustaquia Gonzales noong kabataan nito.

“Ang mother ko kasi, maaga silang naulila. Hinatid na lang siya sa kapatid niya, ganyan. Tapos, huminto siya sa pag-aaral niya,” lahad ni John.

“Ang pinakamasakit na kuwento sa akin ng nanay ko noong bata siya, hindi siya nakatapos. Hanggang high school lang. Naalala ko noong kinukuwento niya, mayro’n silang project. Ni wala siyang pambili ng gantsilyo,” wika niya.

Kaya naman sinabi raw ni John sa sarili na gagawin niya ang lahat para makabawi man lang daw sa mga magulang kahit papaano.

At ngayon nga ay isa na siya sa mga mahuhusay at iginagalang na aktor ng kaniyang henerasyon dahil sa mga naiuwing parangal tulad ng Volpi Cup bilang pagkilala sa mahusay niyang pagganap sa "On the Job: The Missing 8" na idinirek ni Erik Matti.

MAKI-BALITA: John Arcilla, emosyunal nang ibahagi pinakamasakit na kuwento ng nanay niya