November 24, 2024

Home BALITA National

Barbers, hinikayat si Garma na ilahad lahat ng alam sa drug war: ‘Basa na paa mo, maligo ka na!’

Barbers, hinikayat si Garma na ilahad lahat ng alam sa drug war: ‘Basa na paa mo, maligo ka na!’
(file photo)

Hinikayat ni House quad-committee chairperson Ace Barbers si retired police colonel Royina Garma na isiwalat na ang lahat ng kaniyang mga nalalaman hinggil sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

"Basa na ‘yang paa mo, maligo ka na,” giit ni Barbers kay Garma.

Ang naturang pahayag ni Barbers ay matapos isiwalat ni Garma sa isinagawang pagdinig ng quad committee noong Biyernes, Oktubre 11, na kinontak umano siya ni Duterte noong Mayo 2016 upang lumikha ng national task force para sa giyera kontra ilegal na droga.

“During our meeting, he requested that I locate a PNP officer or operative who is a member of the Iglesia Ni Cristo, indicating that he needed someone capable of implementing the war on drugs on a national level, replicating the Davao model,” pahayag ni Garma sa naturang pagdinig.

National

Sen. Bato, iginiit na ‘di 'active threat' tirada ni VP Sara vs PBBM: ‘Maybe a conditional threat'

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Samantala, iginiit naman ni quad-committee co-chairperson Benny Abante Jr. na hindi raw sila titigil hangga’t makuha umano nila ang lahat ng detalye hinggil sa extrajudicial killings (EJK) ng drug war at mapanagot ang mga dapat managot.

"This is just the beginning of a deeper inquiry into a more alarming issue: the alleged participation of higher officials in EJKs. There is much more to uncover, and we are committed to getting to the bottom of these serious allegations," saad ni Abante. 

Matatandaang inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno kamakailan na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno

KAUGNAY NA BALITA: ‘I have no idea!’ Bato, wala raw alam sa ‘reward system’ para sa drug war

KAUGNAY NA BALITA: Bong Go, itinangging sangkot sa drug war ni Ex-Pres. Duterte: ‘Di ako nakikialam diyan!’