Nagbigay ng ilang tips ang Top 4 sa March 2024 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na si Angelica Llona Baroso, 24 na mula Albay, para sa mga kagaya niyang board exam takers na naghahangad na maging topnotcher, o kung hindi man, ay makapasa man lamang.
Nauna nang naitampok sa Balita ang kuwento ni Baroso, matapos niyang sabihing kahit Top 4 siya ng LEPT at may oportunidad naman sa ibang bansa, mas gugustuhin daw niyang manatili at ipagkaloob ang serbisyo ng pagtuturo sa mga kababayang Pilipino dito sa Pilipinas.
BASAHIN: Albay LEPT topnotcher pinipili pa ring magturo sa Pilipinas, bakit nga ba?
Marami sa mga guro ang tumutungo sa China, Saudi Arabia, Singapore, Japan, at Thailand para maghanap ng mas magandang oportunidad, ayon sa POEA. Ngunit si Baroso, bagama’t inaming pumasok sa isip niya ang pag-aabroad, mas pinili niyang manatili sa bansa.
Sa ikalawang bahagi ng eksklusibong panayam ng Balita kay Baroso, nagkuwento siya patungkol sa mga mga naengkuwentro niya sa panahon ng pagre-review, maging sa mga problemang kinaharap niya sa buhay habang siya ay nag-aaral at nagte-take ng board exam.
“Aside sa leave of absence ko for one year nung college ako dahil sa pagsailalim ko ng surgery due to my bilateral inguinal hernia, it is poverty that made my college journey challenging. Naaalala ko noong 1st year ako, ang allowance na binibigay sakin ni papa ay galing sa pinagbentahan niya ng kaniyang mga tanim katulad ng saging. So it's not that much po kaya sobrang pagtitipid talaga ang kinailangan kong gawin,” aniya.
Makikitang suportado ng kaniyang pamilya si Baroso sa pag-abot sa kaniyang pag-aaral.
“Noong nagpandemic at naging online and modular ang klase, it was a relief to me and my papa kasi no need for allowance and boarding house expenses.” lahad ni Baroso.
Ibinunyag ni Baroso na tila blessing in disguise ang pagkakaroon ng online classes dahil hindi na niya kailangan ng allowance para sa pang-araw-araw na pagpasok.
“I'm lucky enough na may kumuha sa aking scholar ng isang good Samaritan sa barangay namin and doon ko kinukuha ang budget for my internet para sa online classes. Tumagal yun simula ng 2nd year ako to 3rd year,” dagdag pa niya.
Sa kabutihang-palad, may nakuhang scholarship si Baroso, dagdag pa rito, nagkaroon pa siya ng budget para sa internet na gagamitin sa online classes.
Nang matapos ang pandemya bumalik muli ang alalahanin kay Baroso dahil babalik nang muli sa face-to-face classes. Aniya, “However, when face-to-face classes resumed, I worried kung kaya pang i-sustain ni papa ang pang boarding house ko and allowance dahil tumaas ang fee and prices nung mga bilihin. Because of this, I have to find a part-time job para matapos ko yung last year ko sa college so I applied as a tutor.”
Dala na rin ng kahirapan nais na niyang maging working student para mas makatulong sa pamilya.
“I'm lucky enough that the parents of my tutee let me stay in their house for free while I am finishing my studies and at the same time, tutoring their child,” saad niya.
Tila pinakinggang muli ng Diyos ang dasal ni Baroso dahil nakakuha na siya ng sideline habang siya ay nag-aaral. Pinagkalooban pa siya ng mabuting magulang ng tutee niya na libreng pagtira ni Baroso sa bahay ng mga ito habang siya ay nagtuturo sa anak nito.
Dagdag pa niya “Nung nagrereview na ako for board exam, I chose to take the exam nung March 2024 at hindi last September so that I can still save for my payment sa review center. Natapos ko siyang bayaran through installment dahil pa rin sa pagtututor ko.”
Mas pinili ni Baroso ang pagtetake ng exam noong March 2024 kaysa noong September 2023 dahil nais niya pang magimpok ng pera pambayad sa kaniyang review center.
“I was also employed as a part-time science teacher sa Bicol University College of Education Integrated Laboratory School High School BUCEILS-HS habang nagrereview. However, dahil dito I struggled sa pagmanage ng oras. However at the end of the day, yung takot kong hindi pumasa ang nagdrive sakin to endure the struggle of reviewing while working,” sabi ni Baroso.
Sa pagkakataong ito naging panibagong sideline naman ang dumating muli sa kaniya at ito na nga ang pagiging part-time science teacher sa kaniyang Alma Mater.
Nagbigay din ng tips si Baroso para maging topnotcher din o pumasa sa board ang mga susunod na takers ng exam: “(1) Be consistent with their efforts. Allot a daily schedule to review for at least 3 months before the LET; (2) know their weaknesses in the coverage of the exam, then work for it; (3) be smart in choosing the review materials. It should align with the coverage of the exam; (4) aim for a high rating then invest enough effort to achieve it; (5) do not overthink the difficulty of the exam. Just review consistently. This is their part and God will align everything for them to pass it if they seek His guidance and have faith in Him,” pagpapayo ni Baroso.
Hangad ni Baroso na patuloy na magsilbing inspirasyon ang kaniyang kuwento sa kapwa niyang mag-aaral at board takers.
Mariah Ang