January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon
Photo Courtesy: Benhur Abalos (FB), via MB

Nanawagan si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para sa sapat na pondo ng mga gurong magsisilbing tagapagbantay sa darating na 2025 midterm elections.

Sa Facebook post ni Abalos nitong Lunes, Oktubre 14, sinabi ni Abalos na dapat umanong tiyakin ng Commision on Elections (COC) at kongreso na mataas ang halagang maibabayad sa mga gurong uupo at mamamahala sa proseso ng eleksyon.

“In recognition of their sacrifices and service to the nation, we must find a way to increase their honoraria and provide them with stronger legal and security protection during next year's elections," saad ni Abalos.

"This will be a big help to them as they deal with the rising cost of living. Sana bigyan natin ng prayoridad sa ating pambansang budget ang karagdagang benepisyo para sa ating mga guro na magsisilbi sa darating ng halalan," aniya.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Dagdag pa ng dating kalihim: "Malaki ang gampanin ng ating mga guro sa darating na eleksyon upang maseguro ang demokratikong proseso ng pagpili ng mga lider sa ating bansa. Walang kapantay na halaga ang kanilang serbisyo sa bayan.”

Ayon sa inilabas na Resolution No. 10727 ng Comelec noong nakaraang 2022 national elections, ang matatanggap na karampatang bayad umano ng poll workers ay ang mga sumusunod: election board (EB) chair, ₱7,000; EB member, ₱6,000; DepEd Supervisor Official (DESO), ₱5,000; support staff, ₱3,000; at medical personnel, ₱3,000.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa umanong updated rates para sa poll workers na magsisilbi sa darating na halalan.