Kinaaliwan sa social media ang isang lalaki matapos pagpraktisan ng apat na indibidwal ang mga kamay at paa niya sa nail training na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Kapangan, Benguet kamakailan.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Kapangan LGU na kasama ang TESDA Benguet at sa pamamagitan ng MSWDO ay nagsagawa sila ng five-day Skills Training on Nail Art para sa Out of School Youth (OSY), Women, Solo Parents and Persons with Disability (PWD) noong Setyembre 2 hanggang 6 sa Lomon, Paykek, Kapangan, Benguet.
“This is one of the programs of LGU Kapangan to bring technical-vocational education at the grass root level thru skills and livelihood trainings, thus, empowering different sectors to get into productive undertaking to help themselves and their community,” dagdag ng Kapangan LGU.
Sa naturang post ay pinansin at kinaaliwan naman ng netizens ang isang larawan kung saan makikita ang animo’y empleyado umano ng LGU na tila komportableng komportable habang pinagpapraktisan ng apat na trainers ang kaniyang mga kamay at paa.
Habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 15,000 reactions, 469 comments, at 8,200 shares ang naturang larawang nakalakip sa post ng Kapangan LGU.
Narito ang ilang mga komento ng netizens:
“How to be you.”
“A renaissance painting.”
“The life every man wishes to have ”
“The king is arrived hahhaha.”
“Princess treatment .”
“princess treatment ang atake.”
“It is good to pamper our hard working employees iman. They deserve too... ”