December 23, 2024

Home SHOWBIZ

John Arcilla, emosyunal nang ibahagi pinakamasakit na kuwento ng nanay niya

John Arcilla, emosyunal nang ibahagi pinakamasakit na kuwento ng nanay niya
Photo Courtesy: Screenshots from Bernadette Sembrano (YT)

Hindi napigilan ni award-winning actor John Arcilla na maluha nang ibahagi niya ang pinakamasakit na kuwento raw ng kaniyang ina noong kabataan nito.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Sabado, Oktubre 12, binanggit ni John na maaga raw naulila ang nanay niya.

“Ang mother ko kasi, maaga silang naulila. Hinatid na lang siya sa kapatid niya, ganyan. Tapos, huminto siya sa pag-aaral niya,” lahad ni John.

“Ang pinakamasakit na kuwento sa akin ng nanay ko noong bata siya, hindi siya nakatapos. Hanggang high school lang. Naalala ko noong kinukuwento niya, mayro’n silang project. Ni wala siyang pambili ng gantsilyo,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: "Tapos nagra-round ‘yong teacher, malapit na sa kaniya.  Ang ginawa niya, humingi siya ng isang gano’n lang sa classmate niya para lang magmukha siyang may ginagawa.”

Kaya naman sinabi raw ni John sa sarili na gagawin niya ang lahat para makabawi man lang daw sa mga magulang kahit papaano.

Sa kasalukuyan, isa na si John sa mga batikan at respetadong aktor sa industriya. 

In fact, tinagurian pa nga siyang “Al Pacino of Philippine Cinema” ni Alberto Barbera, artistic director ng 78th Venice International Film Festival kung saan siya nagawaran ng Volpi Cup bilang Best Actor sa pagganap niya sa pelikulang "On the Job: The Missing 8" na idinirek ni Erik Matti.

MAKI-BALITA: Direk Erik Matti, inisnab; tinawag na 'bastos' si John Arcilla, Star Magic