November 24, 2024

Home BALITA National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Ibinahagi ni Vice President at dating Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang kaniyang pagkatuwa sa naitayong Gabaldon Museum sa Vinzons, Camarines Norte.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 13, nagbahagi si Duterte ng ilang mga larawan ng naging pag-iikot sa Gabaldon Museum sa loob ng Vinzons Pilot Elementary School. 

“Ang pagpapatayo ng mga Gabaldon buildings ay isa sa mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon at bilang dating Kalihim nito, masaya ako na malaki ang naging ambag nito sa buong komunidad,” ani Duterte sa kaniyang post.

Pinuri rin ng bise presidente ang lokal na pamahalaan dahil daw sa isang matagumpay na pagtutulungan sa DepEd na para “mahalagang maipaabot ang mahusay na serbisyo sa ating mga mamamayan.”

National

Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año

“Ang Gabaldon Museum ay nagsasalamin ng mayaman na kasaysayan ng bayan ng Vinzons,” saad ni Duterte.

Matatandaang si Duterte ang unang naupo bilang kalihim ng DepEd mula nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022. 

Samantala, nagbitiw siya sa puwesto noong Hunyo 19, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’