November 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

ASIYA Fest 2024, isinagawa; tampok ang ilang Pinoy artists

ASIYA Fest 2024, isinagawa; tampok ang ilang Pinoy artists

Tagumpay ang unang araw ng ASIYA Fest 2024 nitong Sabado, Oktubre 12, na nilahukan ng iba't ibang Asian artists sa industriya ng musika.

Ang ASIYA ay phonetic spelling ng Asia, binabasa bilang "I SEE YA” (I see you, Asia).

Kamakailan ay inanunsyo ng Karpos Multimedia ang isang kakaibang musikang festival na gaganapin sa Pilipinas ngayong Oktubre 12 at 13 – ang ASIYA: Asian Music Festival & Conference.

Itatanghal ito sa World Trade Center, Pasay City, at magtatampok ng mga natatanging artist mula sa iba’t ibang panig ng Asya, sabay sa pagsilip sa hinaharap ng industriya ng musika.

Events

Rampapayag kaya? Michelle Dee hinihiritang sumali sa Miss Grand International 2025

Unang araw pa lang ng ASIYA Fest 2024, ngunit nagningning na ang mga talento mula sa iba't ibang panig ng Asya, partikular ang mga Pilipino.

Isa sa mga pinakahinintay na pagtatanghal ay ang electrifying performance ni Gabba Santiago, na muling ipinakita ang kaniyang husay sa stage.

Sinundan ito ng Filipino rock band na Urbandub na muling pinainit ang entablado sa kanilang malupit na tugtugan, habang si Reese Lansangan naman ay nagdala ng saya sa kaniyang pagbabalik sa Manila, nagbigay ng "instant serotonin boost" sa mga nakikinig.

Sa pagdalo rin ng iconic band na UDD at ZOYA, mas lalo pang nag-alab ang gabi sa upbeat music nila.

Bukod sa performances, naging makabuluhan din ang panel talks ng mga delegadong tumalakay sa promosyon ng musika at musikero sa Asya.

Ayon kay Weining Hung ng 9Kick/LUCfest, "We all just want people to discover the music that they haven’t listened to before, which is important for all festivals." Natapos ang unang araw sa masigabong palakpakan, at siguradong marami pang aabangan sa Day 2 ng ASIYA Fest!

Pinangunahan ng South Korean indie band na Hyukoh at ng jazz-pop group mula Taiwan na Sunset Rollercoaster ang unang araw ng ASIYA. Ang kanilang pagtatanghal ay bahagi ng AAA tour, na inanunsyo noong Agosto.

Ayon sa opisyal na website, "ASIYA is more than just a platform for performances; it is a vibrant meeting ground for the music industry."

Sa ikalawang araw, Oktubre 13, lokal na talento naman ang maghahari, tampok ang Star Magic octet na BINI. Sikat sa kanilang mga awitin tulad ng "Pantropiko" at "Karera," inaasahang papalakpakan ang kanilang performance.

Kasama rin sa line-up ng ASIYA ang iba pang mga internasyonal na artista tulad ng South Korean collective na Balming Tiger at solo artist na Colde.

Mula naman sa Japan, viral ang singer na si Imase, habang mula Taiwan si 9m88. Dadagdag pa sa international flavor ang Malaysian trio na babychair, Thai singer-songwriter Numcha, at electro-pop artist mula Singapore na si Shye.

Syempre, hindi mawawala ang mga Pilipinong talento. Magtatanghal din sina Juan Karlos, Reese Lansangan, UDD (Up Dharma Down), at Zild na dating miyembro ng IV of Spades. Nasa line-up din sina Gabba Santiago, Flu, Urbandub, at ang musical sibling duo na Ysanygo.

Bukod sa mga performance, tampok din sa ASIYA ang mga talakayan para sa mga lider ng industriya mula sa iba’t ibang creative hubs ng Asya.

Nagbabahagi sila ng kaalaman tungkol sa hinaharap ng musika, kabilang ang isang masterclass mula sa Spotify at keynote talk tungkol sa future ng live music.

Mariah Ang