January 22, 2025

Home BALITA

Tinatayang 66 mula sa 183 senatorial aspirants ang maisasama sa balota- Comelec

Tinatayang 66 mula sa 183 senatorial aspirants ang maisasama sa balota- Comelec
Photo courtesy: Comelec (FB) and MJ Salcedo (BALITA)

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na 66 lamang mula sa 183 senatorial aspirant ang maaaring maisama sa opisyal na balota ng 2025 midterm elections.

KAUGNAY NA BALITA: TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Sa isinagawa umanong initial screening ng ahensya, lumalabas na nasa 66 na senatorial aspirants lang umano ang nakikita nila na umano’y qualified upang maging official candidates.

“As of today, may 66 na kumpirmado na makakasama sa pangalan nila sa listahan bilang lehitimo, valid, and true candidates para sa darating na halalan,” saad ni Garcia sa panayam sa media sa kasagsagan ng launching ng Local Source Code Review (LSCR) noong Biyernes, Oktubre 11, 2024 sa Makati City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang naiwan 117 na aspirants ay tila nakitaan umano nila ng ilang problema sa kanilang Certificate of Candidacy (COC), gaya ng over nominating at pagiging nuisance candidate.

Dagdag pa ni Garcia, inaasahan umano nila na sa darating na Oktubre 23, 2024, ay makakapagsumite na ang Law Department ng kanila umanong rekomendasyon kung sino-sino sa aspirants ang matatanggal at mananatili ang pangalan sa balota, gayundin ang paglalabas ng mga maidedeklarang nuisance candidates.

“Asahan na mag-aaksyon agad ang Comelec sa susunod sa darating na linggo whether ipapa-hearing pa namin yan o aagad naming aaksyunan ang recommendation ng Law Department,” ani Garcia.

Kate Garcia