Ano nga ba ang ibig sabihin kapag maraming bumagsak na mag-aaral sa isang pagsusulit na ibinigay ng guro o propesor sa isang partikular na subject?
Iyan ang usap-usapan at pinagdebatehan ng mga netizen nang mag-viral ang post ng isang netizen na nagpapakita ng screenshot sa group chat, kung paano sinagot ng isang estudyante ang kanilang propesor, nang sabihin nitong kailangan nilang mag-review dahil maraming bumabagsak sa kaniyang inihahandang pagsusulit.
Ang pagsusulit o examination ay isang paraan kung paano ma-aassess at masusuri ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa isang paksa, matapos ang sesyon o talakayan.
"POV: Patulog ka na pero biglang nakipag-sagutan kaklase mo sa teacher niyong feeling major subject ang hawak," mababasa sa caption ng uploader.
Mababasa naman sa screenshot, pinaalalahanan ng guro ang mga mag-aaral niya na mag-review sila para sa pagkuha ng midterm examination.
"Hindi sa pagmamayabang pero konti lang pumapasa sa subject ko. Halos lahat bumabagsak. So better be prepared," aniya.
Ngunit isang mag-aaral ang bumoses at sumagot sa kaniya.
"There's no reason to be proud that many students are failing the subject you're handling. Maybe it's time to reassess why your students are struggling. It could be a reflection of the quality of your teaching. If more students are failing than passing, it doesn't define those who failed---maybe it defines you and your teaching approach."
Hindi naman makikita sa screenshot kung sumagot ba ang guro sa mag-aaral.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"In my experience as a student, there are teachers who are so good at teaching that students do not need to make extra effort to study the lessons."
"Isn't it more of a shame that a disproportionate amount of students are failing your subjects when they pass others? I've experienced the duality of professors din, there's a great difference with the so called 'terrors,' and those with high standards but sympathize with the students. Usually may linyahan din ang dalawa. It's either 'maraming bumabagsak dito'/'nambabagsak ako ng studyante' or 'mahirap itong subject, pero ayaw kong bumagsak kayo.'"
"Tama yon. Saktong sakto. Guro ako at mahihiya ako na halos lahat babagsak. May mga iilan ilan na bagsak talaga pero may mali sa guro kung halos lahat bagsak."
"The student is right. I am a teacher and I will be alarmed if most of my students fail. This is a sign that my teaching style is no longer effective. I need to shift to other teaching styles that will fit to my students way of learning. Teacher should not be proud that most of her students fail instead reflect on his/her teaching style."
"The success of your students is a reflection of your success as a teacher. If your aim is to create struggle for them, then you're not fulfilling your role. Aim for more success, not failings."
"I agree. If consistent na halos walang pumapasa sa mga klase niya, may pagkukulang sa pagtuturo ang guro. Halintulad ito sa manager na mataas ang attrition, na maraming nag-re-resign dahil sa poor management."
"A student’s failure is a failure for both — the teacher and the student. Learning is a collaborative effort."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 62k reactions, 33k shares, at 2.1k comments ang nabanggit na post.
---
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.