December 22, 2024

Home BALITA

PBBM, di ginawang caretaker ng Pinas si VP Sara: 'She's not part of admin anymore!'

PBBM, di ginawang caretaker ng Pinas si VP Sara: 'She's not part of admin anymore!'
Photo courtesy: via MB/BALITA

Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang dahilan kung bakit hindi niya itinalagang caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang wala siya sa Pilipinas at dumalo sa Lao PDR para sa ASEAN Summit and Related Summits.

Aniya sa isang press conference sa harap ng Philippine media delagation, Biyernes, Oktubre 11, hindi na raw bahagi ng administrasyon si VP Sara dahil sa pinili nitong umalis matapos magbitiw sa kaniyang gabinete bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

"She’s still in government but she left the administration. So, she’s not part of the administration anymore," ani PBBM.

"So, she’s not, she’s not part of the, really the day-to-day running of what we are doing,” giit pa ng pangulo.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“So, it would be unfair to ask her to now sudden, to impose that duty on her since she’s that’s not part of her work now,” dagdag pa.

Inamin din ng pangulo na hindi komporme sa kaniya ang naging pahayag kamakailan ni Duterte na hindi sila naging magkaibigan, kahit na naging runningmate sila sa ilalim ng UniTeam. Pakiramdam daw niya ay "na-deceive" siya sa mga nasabi nito laban sa kaniya. 

MAKI-BALITA: PBBM, inakala raw na magkaibigan talaga sila ni VP Sara: ‘Maybe I was deceived’

"I am a little dismayed to hear that she doesn’t think that we are friends,” saad ni Marcos.

“I always thought we were, but maybe I was deceived,” dagdag pa niya.

Ipinagkatiwala ni PBBM ang bansa bilang caretakers kina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Matatandaang si VP Sara ang itinalagang caretaker ni PBBM ng bansa noong Disyembre 23, nang magtungo siya sa Tokyo, Japan para sa isang regional summit.

MAKI-BALITA: VP Sara, caretaker ng gov’t habang nasa Tokyo si PBBM