October 31, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Janno tatakbo sana sa senado, pero ayaw na makisali sa 'ridiculous' line-up

Janno tatakbo sana sa senado, pero ayaw na makisali sa 'ridiculous' line-up
Photo courtesy: Janno Gibbs (IG)

Nilinaw ng singer-actor na si Janno Gibbs na hindi joke ang "Janno para sa Senado" na ibinahagi niyang art card kundi may bahid-katotohanan.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Janno na seryoso siya sa pagtakbo bilang senador sa 2025 midterm elections, subalit napigilan siya ng kaniyang pamilya, at sumang-ayon naman siya nang makita ang "circus" ng "ridiculous line-up."

"Ituloy ko na ba?" caption dito ni Janno.

Paliwanag ni Janno sa kaniyang Threads post, "My feed post of ‘Janno sa Senado’ was not a joke. I've been wanting to go into politics these past few years. Those who follow me know ive always been politically active in my ig. Sabi nga nila 'Puro ka reklamo, bat di ka tumakbo?!' But my family does not approve. They are scared of the consequences," paliwanag ni Janno.

Tsika at Intriga

6th anniversary post ni Archie Alemania sa misis niya, binalikan ng netizens

Pero sa 2028 ay baka magdesisyon na raw siyang i-push ang kaniyang pagtakbo, bagama't hindi niya binanggit kung anong posisyon. 

"Still, i was weighing my options. Seeing the circus of who are running, i didnt want to be included in a ridiculous line up. Maybe in 2028?"

Matatandaang karamihan sa mga nag-file ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador ay taga-showbiz industry.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kesa kay Ipe, eh ikaw na lang!"

"Janno for senate!"

"Go na haha."

"Would you mind sharing your credentials po? I’ll vote for you if you qualify. Thank you."

"Go we will vote for you may sarılı kang paninindigan at mahal mo ang bayan, kailangan ng bayan ang tulad mo."