January 23, 2025

Home BALITA National

Hindi paggamit ng ‘mother tongue’ sa pagtuturo sa Kinder – Grade 3, naisabatas na!

Hindi paggamit ng ‘mother tongue’ sa pagtuturo sa Kinder – Grade 3, naisabatas na!
MB file photo

Naisabatas na ang panukalang batas na naglalayong itigil ang paggamit ng mother tongue bilang paraan ng pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3 sa bansa.

Naging ganap na batas ang Republic Act (RA) No. 12027 noong Oktubre 10, 2024 matapos ang hindi pag-aksyon dito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Sa ilalim ng batas, ibabalik na sa Filipino at English ang medium of instruction mula Kindergarten sa lahat ng mga paaralan sa bansa.

Samantala, maaari pa rin daw gamitin ang Mother Tongue sa monolingual classes—na tumutukoy sa isang klase kung saan pare-parehong nakapagsasalita ng parehong Mother Tongue—basta’t naka-comply sa mga sumusunod na requirement:

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

* Opisyal na ortograpiyang binuo at inilathala ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)

* Opisyal na dokumentadong bokabularyo na inilathala ng KWF

* Panitikan sa mga wika at kultura

* Libro ng gramatika

* Pagkakaroon ng mga guro sa paaralan na nagsasalita at sinanay na magturo ng kanilang Mother Tongue

“The Department of Education (DepEd) shall, in consultation with the KWF, develop a language mapping policy within one (1) year from the effectivity of this Act and implement a language mapping framework to properly identify and classify learners based on their Mother Tongue in order to systematically determine the existence of monolingual classes per school year,” nakasaad din sa RA No. 12027.

Haharap daw sa administrative sanctions ang lalabag sa naturang batas.