January 22, 2025

Home SPORTS

Hatol ng PBA kay John Amores, pinutakti ng fans; kaso ni Abueva, ikinumpara!

Hatol ng PBA kay John Amores, pinutakti ng fans; kaso ni Abueva, ikinumpara!
Photo courtesy: PBA Images

Tila maraming basketball fans ang hindi nagustuhan ang desisyon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagpataw nito ng “suspension without pay” kay NorthPort Batang Pier John Amores kaugnay ng kinasangkutan niyang shooting incident noong Setyembre. 

Ibinaba ng PBA ang hatol nila kay Amores noong Biyernes, Oktubre 11, 2024 kung saan napagdesisyunan umano na siya ay isuspinde sa loob ng 15 games sa susunod na conference ng PBA.

KAUGNAY NA BALITA: John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

Samantala, tila maraming fans naman ang hindi nagustuhan ang tinawag nilang “mababaw” na parusa kay Amores at ikinumpara ito sa isa pang kontrobersyal na manlalaro na si Calvin Abueva. 

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Matatandaang napatawan ng indefinite suspension si Calvin Abueva noong 2019 dahil sa dalawang magkaibang insidente na kinasangkutan niya tungkol sa flagrant foul niya noon kay Talk N Text import Terrence Jones at pambabastos umano sa isang fan. Bukod sa indefinite suspension, pinagmulta rin si Abueva ng kabuoang ₱70,000 bilang kabayaran umano ng danyos. 

Kaya naman, tila hindi raw katanggap-tanggap ang umano’y suspension lamang kay Amores na sa kasalukuyan ay hinaharap pa ang kasong attempted homicide.

KAUGNAY NA BALITA: John Amores, negatibo umano sa gunpowder test

“Calvin abueva nanapak indefinite suspension pero tong si amores namaril 15 games suspension???”

“Kung si Calvin Abueva kaya gumawa nito matic to siguro banned to may Multa pa at Wala na pag asa makalaro ulit.”“Soooo Balkman’s chokehold on Santos resulted him a lifetime ban & Abueva's misconduct resulted an indefinite suspension are more serious offenses than John Amores’s attempted murder??? PBA c'mon.”

“Grabe si Abueva kung ano ano suspension ang inabot. Mas rewarding pala maging shooting guard off the court.”“Abueva received a lifetime ban/indefinite suspension for a clothesline, of course he intended to hurt the other player, pero ‘yung pamamaril, doesn’t only intend to hurt but also to bring to an end someone’s life.”

“15 games samantalang ‘yung Kay Boy dila/sayaw indefinite suspension hahaha”

Matapos umani ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing rulings, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang PBA tungkol dito. 

Kate Garcia