November 15, 2024

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma
Retired police colonel Royina Garma (House of Representatives/Youtube screengrab); dating Pangulong Rodrigo Duterte (file photo)

Emosyonal na ipinahayag ni retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na iniutos umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang ng administrasyon nito sa bansa, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

Sa isinagawang pagdinig ng House quad committee nitong Biyernes, Oktubre 11, hinggil sa extrajudicial killings, binasa ni Garma ang kaniyang affidavit kung sana sinabi niyang kinontak siya ni Duterte noong Mayo 2016 upang lumikha ng national task force para sa giyera kontra ilegal na droga.

“I was already acquainted with then-Mayor, having served as a Station Commander in one of the police stations in Davao during his tenure,” pahayag ni Garma.

“During our meeting, he requested that I locate a PNP officer or operative who is a member of the Iglesia Ni Cristo, indicating that he needed someone capable of implementing the war on drugs on a national level, replicating the Davao model,” dagdag niya.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Sinabi rin ng dating police colonel na ang “Davao Model” umano ay tumutukoy sa sistemang may kinalaman sa “payment” at “rewards” kung saan may tatlo raw itong antas.

“The Davao Model involves three levels of payment of rewards. First is the reward if the suspect is killed. Second is the funding of planned operations, and the third is the refund of operational expenses,” saad niya.

Sinabi rin ni Garma na nasa P20,000 hanggang P1 million umano ang reward para sa drug personalities na napatay sa Oplan Tokhang.

Hindi umano siya nagsalita noong unang mga pagdinig hinggil sa kaniyang mga nalalaman dahil sa takot daw sa kaniyang buhay at sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang reaksyon ang kampo ni dating Pangulong Duterte sa naturang testamento ni Garma.

Matatandaang inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno kamakailan na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno