January 03, 2025

Home BALITA National

Bam Aquino, hangad hustisya para sa mga biktima ng EJK: ‘Dinadamayan natin sila’

Bam Aquino, hangad hustisya para sa mga biktima ng EJK: ‘Dinadamayan natin sila’
Dating Senador Bam Aquino (Photo: MJ Salcedo/BALITA)

Nagpahayag ng pagdamay si dating Senador Bam Aquino para sa mga nabiktima ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa nitong Sabado, Oktubre 12, isang araw matapos ipahayag ni retired police colonel Royina Garma na iniutos umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aalok ng reward para sa drug war killings ng administrasyon nito.

Sa isang pahayag, iginiit ni Aquino na isang madilim na bahagi ng kasaysayan ang “malagim na kultura ng karahasan noong panahon ng war on drugs.”

“Ang dapat na paghuli lang sa mga sangkot sa paglaganap ng droga, naging kaliwa’t kanang patayan, kung saan marami ang nadamay,” ani Aquino. 

“Maraming pamilya ang naulila at patuloy pa rin na lumalaban para sa hustisya. Pinatay sila ng isang marahas na polisiya kung saan ang dehado lang ay mga maliliit at mahihirap sa lipunan.”

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

“Ngayong araw, dinadamayan natin sila, lahat ng naging biktima ng EJKs, at hangad natin ang hustisya para sa kanila,” saad pa niya.

Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng House quad committee nitong Biyernes, Oktubre 11, sinabi ni Garma na kinontak siya ni Duterte noong Mayo 2016 upang lumikha umano ng national task force para sa giyera kontra ilegal na droga, na kapareho umano ng “Davao Model.”

Ayon kay Garma, ang “Davao Model” umano ay tumutukoy sa sistemang may kinalaman sa “payment” at “rewards” kung saan may tatlo raw itong antas.

“The Davao Model involves three levels of payment of rewards. First is the reward if the suspect is killed. Second is the funding of planned operations, and the third is the refund of operational expenses,” saad niya.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Noong Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno