October 12, 2024

Home SHOWBIZ

Annabelle sa 'fake news' tungkol kina Echo, Janine, Paulo: 'Pakialam ko sa kanila, busy ako 'day!'

Annabelle sa 'fake news' tungkol kina Echo, Janine, Paulo: 'Pakialam ko sa kanila, busy ako 'day!'
Photo courtesy: via Ruffa Gutierrez (IG)/via BALITA

Nilinaw ng beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez na pekeng balita ang kumakalat patungkol kina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Paulo Avelino.

Sa nabanggit na balita kasi ay tila sinasabing aprub daw ang nanay niyang si Annabelle Rama sa namumuong special relationship sa pagitan nina Janine at Jericho Rosales na magkasama sa seryeng "Lavender Fields."

Si Janine ay kaanak nila dahil anak siya nina Monching Gutierrez at Lotlot De Leon.

Mas bet daw ni Bisaya si Echo para kay Janine dahil mas mature daw ang una, kaysa kay Paulo Avelino.

Tsika at Intriga

Juliana nagpatutsada kay Diwata: 'Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit!'

Matatandaang nang bagong lipat si Janine sa Kapamilya Network at maipareha kay Paulo sa "Marry Me, Marry You" ay napabalita ang umano'y secret relationship nila.

Hindi pa man umamin kung totoo ba ang mga tsikang magkarelasyon na sila, ay kumalat naman ang intrigang hiwalay na raw sila. 

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez hiwalay na naman ulit?

At ngayon naman, nauugnay si Janine kay Jericho matapos umamin ng huli na lumalabas sila ng una dahil nasa dating stage sila. 

MAKI-BALITA: Jericho Rosales sa real-score nila ni Janine Gutierrez: 'We're going out'

Anyway, tinanong daw mismo ni Ruffa ang mama niya tungkol dito, at sumagot naman daw ang ina na wala siyang pakialam sa kanila dahil busy siya.

Photo courtesy: Ruffa Gutierrez (IG)

"FAKE NEWS ALERT!!!"

"Before posting make sure you get your facts STRAIGHT. Netizens, before you comment, mag-research muna kayo. BLOCK & REPORT THIS ACCOUNT !"

"I just asked my mom about this HEADLINE and she said, 'Pakialam ko sa kanila! Busy ako, 'day!'"

"Korek!!" paliwanag ni Ruffa.