November 25, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors
Photo courtesy: Pexels

Nagpositibo sa Human immunodeficiency virus (HIV) ang anim na transplant patients sa Rio De Janerio, Brazil, ayon sa kumpirmasyon ng Rio Health Secretary noong Biyernes, Oktubre 12, 2024.

Ipinagbigay-alam din ng health secretary na suspendido na umano ang laboratoryong responsable sa nangyaring insidente kung saan anim na pasyente ang nagpositibo sa HIV matapos matanggap ang iba’t ibang organs na nanggaling sa dalawang donors.

Tatlo sa anim na nagpositibo sa HIV ang tinukoy na nakatanggap ng heart transplant at dalawang kidney transplant matapos umano magkaroon ng ilang health issues.

Samantala, ayon sa ulat ng isang local media sa Brazil, patuloy pa rin ang imbestigasyon kung sino ang may pananagutan sa kapabayaan umano ng organ tests.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Dumipensa rin ang health secretariat at iginiit na taong 2006 pa nagsimula ang local transplant service sa nasabing lugar kung saan wala naman umanong naiulat na komplikasyon sa mga pasyente.

Ayon sa World Health Organization, ang HIV ay isang uri ng virus na inaatake ang immune system ng isang tao na nagdudulot upang humina ang resistenya nito laban sa mga sakit na katulad ng tuberculosis at fungal infections. Maaaring mahantong sa pagkakaroon ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) ang isang HIV patients kapag lumala at tuluyang naparalisa ang immune system nito.

Kate Garcia