Nausisa ang TV host at negosyanteng si Sam Verzosa kaugnay sa pinagmumulan ng kayamanan niya.
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, isiniwalat ni Sam na sa loob umano ng mahigit 20 taon na pagnenegosyo ay nagawa niya itong palakihin.
“Hindi naman po kaila na nagnenegosyo na po tayo. Mahigit 20 taon na. At napalaki natin ‘yong negosyo natin hindi lang po sa Pilipinas kundi sa ibang bansa,” lahad ni Sam.
“Nakapagtayo na tayo sa Dubai, Abu Dhabi, Australia, Hong Kong, Singapore, Qatar hanggang Europa po, hanggang London,” wika niya.
Dagdag pa niya: “Sa ngayon nga, Nay, e may mga negosyo tayong hina-handle na mga international luxury brands.”
Kaya naman sobrang grateful at blessed daw si Sam sa biyayang ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoon.
“Wala akong ibang hangad kundi i-share ito sa ibang tao. Lalo na ‘yong mga kagaya kong nagsimula sa wala,” aniya.
Matatandaang kamakailan lang ay naghain na ng certificate of candidacy (COC) si Sam bilang mayor ng Maynila.
MAKI-BALITA: 'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila
Pero bago pa man ito ay pina-auction niya ang luxury car na pagmamay-ari ng kaniyang pumanaw na amang si Sam Verzosa, Sr., para gamiting pondo ang pinagbentahan sa pinaplano niyang diagnostic and dialysis center sa nasabing lungsod.
MAKI-BALITA: ₱20M Bentley car ng yumaong ama, kasama sa pina-auction ni Sam Verzosa