December 23, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

National Coming Out Day, paano nga ba nagsimula?

National Coming Out Day, paano nga ba nagsimula?
photo courtesy: Pexels

Sa paggunita ng National Coming Out Day ngayong Oktubre 11, 2024, muling binigyang-pansin ang kahalagahan ng pagiging bukas at totoo sa sarili para sa mga kasapi ng LGBTQ+ community. 

Itinatag ang National Coming Out Day noong 1988 nina Robert Eichberg at Jean O’Leary bilang paggunita sa National March on Washington for Lesbian and Gay Rights na naganap noong 1987. Simula noon, ang araw na ito ay naging simbolo ng pagsulong ng pagkilala at pagtanggap sa mga miyembro ng LGBTQ+ sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa mga tagapagtaguyod, ito ay isang araw na pagdiriwang para sa mga taong lakas-loob na nagdesisyong mag-"come out," o magbahagi ng kanilang tunay na kasarian at pagkakakilanlan sa iba, kasabay ng panawagan para sa mas malawak na pagtanggap at pagkakapantay-pantay.

Ang proseso ng "coming out" ay isang bagay na hindi madaling gawin dahil sa panganib ng diskriminasyon at paghatol. Gayunpaman, kapag nagagawa ito, nagiging makapangyarihang hakbang ito tungo sa pag-alis ng mga balakid na kinahaharap ng LGBTQ+ community.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Bagama't may mga nagsasabing hindi na kailangang mag-"come out" o magkaroon ng isang araw para ipagdiwang ito, nananatiling mahalaga ito para sa marami sa komunidad. Sa isang hindi pa perpektong lipunan, ang pagiging bukas tungkol sa sariling kasarian o identidad ay nagbibigay ng pag-asa at lakas ng loob sa mga taong nasa prosesong ito.

Sa pagpapakalat ng kamalayan at suporta sa social media, narito ang mga hashtags na maaaring gamitin upang makilahok sa pandaigdigang diskusyon at ipakita ang suporta para sa LGBTQ+ community:

#ComingOutDay

#LoveIsLove

#Pride

#LGBTQ+

#Acceptance

#EqualityForAll

#SupportLGBTQ

Ang paggamit ng mga hashtags na ito ay makatutulong upang mapalakas ang mensahe ng pag-asa, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap, at upang ipagdiwang ang pagiging bukas at totoo ng bawat isa sa kanilang sariling pagkakakilanlan. 

Tulad ng sinabi ng isang tagapagtaguyod na Human Rights Campaign Org, “Sharing our authentic selves with others is not always safe or easy... but when possible, it can be an extraordinarily powerful key to breaking down the barriers we face as LGBTQ+ people.” 

Mariah Ang