November 24, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nakakaloka! Conspiracy theory tungkol kay Beyoncé, nagkalat sa social media

Nakakaloka! Conspiracy theory tungkol kay Beyoncé, nagkalat sa social media
Photo courtesy: Beyoncé (IG), hays (FB)

Nakapag-thank you na ba ang lahat?Nagkalat sa social media ang animo’y samu’t saring pasasalamat ng ilang netizens kay Queen of Femme Pop Beyoncé. “Thank you Beyoncé,” saad ng ilang netizens.

Bagama’t tila ginawa itong katuwaan, tila may “hidden agenda” raw umano ang cryptic trend na ito. 

Sa social media platform na TikTok, mapapanood ang umano’y videos ng ilang Grammy winners na nagpapasalamat kay Beyoncé. Saad ng viral videos, na kailangan daw magpasalamat ng Grammy winners kay Beyoncé upang hindi raw maging target ng singer. 

Ilan sa mga kumalat na umano’y video ng Grammy winners na nagpasalamat kay Beyoncé ay sina Adele, Harry Style, Taylor Swift, Megan Thee Stallion at marami pang iba. Ayon sa kumakalat na mga conspiracy theory, ayaw umano ng singer na matalbugan ng nagsusulputang artists.

Tsika at Intriga

Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo

Isang conspiracy theory din ang iniuugnay sa singer na may namamatay daw umanong international singers, sa tuwing may world tour daw si Beyoncé.

Narito ang umano’y world tour ni Beyoncé kung saan sabay sa pagkamatay ng ilang singers, base sa mga kumakalat ngayon sa TikTok:

"I Am.. Sasha Fierce World Tour" noong 2009, Michael Jackson.

“The Mrs. Carter Show World Tour” noong  2012, Whitney Houston.

“On the Run world tour” 2013, Bobby Womack.

“Formation World Tour” noong 2016, Prince.

“On the Run II Tour” 2018, Aretha Franklin.

Sa kabila ng nagkalat na cryptic posts, ilang Pinoy netizens naman ang tila dinogshow ang “Thank You Beyoncé,” trend.

“Say, Thank You Beyoncé, to pass all the exams.”

“Thesis defended! Thank You Beyoncé!”

“I just reached 100 followers thank you Beyoncé!”

“Thank you Beyoncé to pass and slay the midterm exams.”

“Friday pala today hahaha thank you Beyoncé!”

“Jgh, thank you Beyoncé!”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Beyoncé kung totoo ba ang mga kumakalat sa social media. 

Ikaw, anong palagay mo sa cryptic post na ‘to?

Kate Garcia