November 23, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito
Photo Courtesy: ManilaART Fair (IG

Tampok sa ManilART 2024 na ito ang higit sa 260 artists mula sa iba't ibang larangan ng sining na nagpakitang gilas sa pagbuo ng kanilang mga likha.

Sa ika-16 nitong taon, nagbabalik ang ManilaART. May temang “Prisms & Mosaics,” isinusulong nito ang sari-saring anyo ng kontemporaryong sining Pilipino. Ang ManilART 2024 ay mula Oktubre 9-13, 2024 sa SMX Aura Convention Center sa Taguig City. Ang kaganapang ito ay itinataguyod ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ManilART Foundation bilang bahagi ng pagdiriwang ng Museums and Galleries Month.

Sa mahigit 40 booth at iba't ibang workshop at seminar, ipinapakita ng Prisms & Mosaics ang yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sining.

Isa sa mga tampok sa art fair ay ang bagong koleksyon ni Ombok Villamor na “Wonders of the Deep,” na makikita sa OMVI Gallery booth. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Ayon sa curator na si Abe Orobia, “Villamor incorporates light into key pieces... to highlight these organisms' roles in the marine ecosystem.” 

Ang mga likha ay may mga temang santuwaryo, biyaya, at agos, na para bang iniimbita ang mga manonood na sumisid sa kailaliman ng dagat.

Sa Galerie Raphael (Booth A2), naman ay tampok ang eksibit ni Marco Coching na "Flowing Elements."

Kilala si Coching sa kaniyang paggamit ng maliwanag na mga kulay at geometric na hugis, na tila nagdadala ng kakaibang enerhiya sa kanyang mga likha. 

Isa rin siya sa mga tampok na artista sa Artes Orientes (Booth D3), kasama sina Rico Lascano, Mario de Rivera, Jonet Carpio, Rudy Yu, Dante Enage, Gene Villasper, Alab Pagarigan, at Ronaldo Ruiz.

Bukod kina Villamor at Coching, tampok din ang mga obra ng kilalang glass artists na sina Ramon Orlina, Marge Organo, at Anna Orlina, pati na rin ang kakaibang wood art ni Agi Pagkatipunan at ang intricately carved skulls at ostrich eggs ni Rayos del Sol.

Sa kabuuan, higit sa 260 artista ang magpapakita ng kanilang mga obra sa mahigit 40 booths at eksibisyon, na patuloy na nagbibigay-buhay sa sining at kultura ng Pilipinas. 

Ang ManilART 2024 ay hindi lamang isang pagdiriwang ng sining kundi isang platform na nagbibigay-daan sa mga artistang Pilipino na maipakita ang kanilang mga obra sa lokal at pandaigdigang entablado.