December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

KMJS episode tungkol sa 'VA' story, umani ng samu't saring reaksiyon sa netizens

KMJS episode tungkol sa 'VA' story, umani ng samu't saring reaksiyon sa netizens
Photo courtesy: pexels

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang isang featured story ng sikat na TV show na Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) tungkol sa umano’y successful story ng dalawang magkapatid na Virtual Assistant (VA).

Ang naturang episode daw kase ng KMJS, ay tinawag ng ilan na “misleading” patungkol sa industriya ng freelancing. 

Sa nasabing episode kasi noong Oktubre 6, 2024, itinampok ng KMJS kung paaano nabago ang buhay ng dalawang magkapatid sa pamamagitan lang umano ng “wifi at internet,” nang pasukin nila ang pagiging freelancers at VA.

Hanggang ngayon ay mainit na nagkokomento ang ilang netizens tungkol umano sa kakulangan ng research ng nasabing programa dahil tanging “bright side” lang ang ipinakita nito. 

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“From doon sa photocards to VA industry grabe naman ‘yan kmjs wala man lang proper research hindi po lahat ng VA 6 digit earners and hindi po madali maging VA.”

“Hinahype na naman iyong pagiging VA and the 6 digits salary.”

“Jusko kmjs, kaya pala may mga nagtatanong sakin sa pag vi V.A., sana sinabi nyo tatagos muna kami sa pader bago maka 6-digits compensation monthly.”

“Yung episode na ‘yun will have a negative impact sa VA industry, in-imply ba naman na ang dali lang, may laptop at internet lang okay na.”

“Na over hype nanaman ang VA/Freelancing dahil sa recent episode ng KMJS. Iisipin nanaman ng iba, ganon-ganon lang VA/Freelancing. Di nila alam mental health ang isa sa pinaka mabigat na puhunan dito.”

“Lalo lang tataas competition sa VA dahil sa mga gusto agad kumita nang malaki.”

Ayon sa tala ng Philippine Institute for Development Studies, tinatayang pumalo na umano sa 1.5 million ang populasyon ng freelancers sa bansa. 

Bakit nga ba maraming sumusubok na pasukin ang industriyang ito?

Dahil literal na umanong work from home ang set-up sa pagiging VA dahil nakadepende ang oras ng trabaho sa nationality ng kliyente mo. 

Sa ulat ng isang outsourcing company, pabata nang pabata ang sumusubok sa industriyang ito. Hindi kase nangangailangan ng working experience at diploma upang makakuha ng kliyente. 

Madali nga lang ba makakuha ng kliyente?

Ayon sa isang online virtual assistant company, mataas umano ang kompetisyon sa VA industry bagama’t nagkalat na umano ang outsourcing platforms para dito.

Sa usapin naman daw ng pagkita ng umano’y “six digits sa isang buwan,” nangangailangan ito ng tinatawag nilang “upskilling” kung saan aaralin mo lahat ng services na maaari mong maibigay sa kliyente mo na karaniwan ay nangangailangan ng tatlo hanggang limang kliyente upang kumita ng mas malaki.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang naturang programa hinggil sa nasabing viral featured story.
-Kate Garcia